COVID-19: Mga Kuwentong Nanaimo
COVID-19: Mga Kuwentong Nanaimo
Paano ka naapektuhan ng COVID19?
Ang Nanaimo Museum at Nanaimo Community Archives ay magkasamang naglunsad ng isang malakihang proyekto upang mangalap ang mga salaysay mula sa Nanaimo patungkol sa COVID-19. Ang proyekto ay may ilang bahagi ng pagkalap ng mga kuwento, larawan, artifacts at panayam mula sa ating komunidad.
Aming iniimbitahan ang mga mamamayan ng Nanaimo at karatig-lugar na magbigay ng kanilang mga saloobin at pagmumuni-muni sa makasaysayang panahong ito. Ang mga kuwento at artifacts na makokolekta ay maaaring gamitin sa mga eksibisyon sa hinaharap at bilang pangunahing materyal sa pananaliksik ng mga susunod na henerasyon.
Inaasahang magpapatuloy pa rin ang COVID-19: Mga Kuwentong Nanaimo pagkatapos ng kasalukuyang krisis, habang pinroproseso ng mga tao ang epekto ng pandaigdigang kaganapang ito sa kanilang sariling buhay.
Gusto mo bang magbahagi ng iyong kuwento? Mangyaring kumpletuhin ang form sa ibaba.